DepEd loaded na mga guro, aaksiyunan | Read full details here!

DepEd loaded na mga guro, aaksiyunan | Read full details here!

Sinigurado ng Department of Education na kanilang aaksiyunan ang reklamo ng maraming guro na loaded o sobra-sobra ang tinuturuan.

Ayon kay DepEd Spokesman Michael Poa, alam nila ang nasabing suliranin habang nakarating na rin sa kanila na may mga paaralan namang sobra ang mga guro.


Kaya ang solusyon, aniya, ay mag-transfer ng mga guro sa mga paaralan kung saan naitala ang mga gurong loaded.

“Diyan naman po sa teachers, we understand the situation, actually it was the topic in the mancom this week, mayroon po talaga mga teachers na medyo loaded, meron din schools na mayroong excess,” ayon kay Poa.

Paliwanag ng DepEd official, ang pinakamabilis na kanilang gagawin ay mag-transfer ng teaching staff.

“Doon po sa schools na may excess na teaching staff ay subject to rules on transfer, kung papayag po sila, we transfer these teachers doon sa may kakulangan,’ dagdag pa ni Poa.

Post a Comment

0 Comments