DSWD Latest ADVISORY | AICS Educational Assistance | August 29

DSWD Latest ADVISORY | AICS Educational Assistance | August 29

DSWD Latest ADVISORY | August 29, 2022

AICS Educational Assistance

Narito ang sagot sa inyong mga kadalasang tanong ukol sa DSWD AICS - Educational Assistance -  Online Appointment Portal.



1. Tanong  :  Nakapagregister na kami sa link, sa QR Code at sa pamamagitan ng text ngunit wala pa ring text message mula sa DSWD. Kailan kaya kami makakatanggap ng text message mula sa DSWD?

Sagot : Makakatanggap kayo ng text message mula Martes, Agosto 30, 2022 at sa mga susunod nitong araw, ngunit hindi po kayo sabay sabay na makakatanggap nito.

2. Tanong : Ano po ba ang text message na matatanggap namin mula sa DSWD?

    Sagot : May tatlong (3) klase ng text message, at isa dito ang maaari mong matanggap:

a. "Base sa resulta ng initial assessment kayo ay isa sa CONFIRMED CLIENT" ngayong (Schedule: Petsa, ORAS: __________) sa (Venue: ___________________"

b. "Upang ma proseso, maaaring mag reply sa pamamagitan ng pag-type ng mga sumusunod... ipadala sa numerong _____________________"

c. "Napag-alaman sa initial assessment na ikaw ay miyembro ng 4Ps/MCCT/Scholar ng Ahensiya kung kaya ikinalulungkot po naming sabihin na hindi na maaaring makapag apply sa educational assistance"

3. Tanong  :  Maaari ba naming tawagan ang numerong nakalagay sa text message ng DSWD FO8?

    Sagot : Hindi po dahil eto ay isang information system.

⚠️ PAUNAWA ⚠️

Nais po naming ipaalam na ang pagtanggap ng mga aplikasyon para sa Assistance to Individuals In Crisis Situations (AICS) - Educational

 Assistance sa pamamagitan ng e-mail at online link ay isasara sa August 30, 2022 (12:00 midnight). Ito ay upang mabigyan ng oras ang aming opisina na i-review ang mga requests.

Sa kasalukuyan ay mayroong 200,543 requests na natanggap ang DSWD Field Office V.

Magsasagawa ang ahensya ng cleanlisting upang masiguro na walang duplikasyon ng mga requests.

Samantala, para sa mga nakapagsumite ng kanilang aplikasyon, maghintay ng abiso mula sa aming ahensya.

Source: DSWD

Post a Comment

0 Comments