August 26 | Update on DSWD AICS Educational Assistance

August 26 | Update on DSWD AICS Educational Assistance

JUST IN: ADVISORY

Bukas, Agosto 27, 2022, ang may appointment lamang mula sa DSWD FO8 at may priority number na galing sa DSWD SubField Offices ang ipo-proseso ng opisina. No walk-in clients shall be processed.

Pina-paalalahanan po ang lahat ng nakatanggap ng appointment text message mula sa DSWD FO8 at ang mga may priority number kung sa DSWD SubField Offices na tiyaking dalhin ng KUMPLETO ang mga sumusunod na dokumento:

1. Isang (1) orihinal at isang (1) photocopy) - Certificate of Enrolment/Registration/school ID/ statement of account;

2. Orihinal at dalawang (2) photocopies ng valid I.D ng parents o guardians (kung menor de edad ang benepisyaryo) OR Orihinal at dalawang (2) photocopies ng valid ID ng estudyanteng aplikante kung nasa legal age na.

 Ang valid ID na isusumite ay dapat VALID na ang ibig sabihin, eto ay:

● Hindi expired. Kailangang valid pa sa araw ng pag apply ng Educational Assistance; Kung school ID, eto ay para sa School Year 2022-2023;

● Hindi peke;

● Mainam kung may lagda, maliban kung Philsys ID;

● Mainam kung may larawan

Siguraduhin ding dalhin ang appointment text message na mula lamang sa DSWD FO8 at hindi sa anumang numero. Mag-iingat po tayo sa TEXT SCAMS.

Hinihikayat din ang lahat na hindi na dalhin ang maliit na bata sa venue. Magdala ng pamaypay, maiinom at makakain habang tayo ay pumipila para sa pagproseso ng educational assistance.

Mariin din po naming pinapaalala na sumunod tayo sa minimum health protocols na ipinapatupad upang maiwasan ang pagkalat ng virus katulad ng COVID-19.  

Click here: For Region III and NCR Online Registration or Application, apply now! 

BASAHIN | Para sa mas maayos at matiwasay na pamamahagi ng AICS Educational Assistance, minarapat ng Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan Rehiyon Dos (DSWD FO2) na bigyan ng kaukulang schedule ang bawat Local Government Units kung saan gaganapin ang pay-out.

Ngayong Sabado, August 27, 2022, pitong (7) bayan ang nakatakdang puntahan ng DSWD FO2 para mag-assess at mamigay ng AICS Educational Assistance sa mga benepisyaryong nakatanggap ng kumpirmasyon sa pamamagitan ng text (SMS)/tawag mula sa ahensya. 

Ang mga ito ay mga bayan ng Basco at Mahatao sa Batanes; Echague, Ramon, at Santiago City sa Isabela; Diadi sa Nueva Vizcaya; at Nagtipunan sa Quirino.

Samantala, mag-uumpisa ang AICS Educational Assistance pay-out sa lalawigan ng Cagayan sa September 3. Isinagawa ito upang mabigyang prayoridad ang pag rekober ng mga bayan na lubos na sinalanta ng bagyong Florita.


Abangan lamang ang schedule ng iba pang mga LGUs sa susunod na mga araw.

Maagap at Mapagkalingang Serbisyo.

Post a Comment

0 Comments