DepEd Nationwide Public School Teacher Search for Princess Maha Chakri Award (PMCA) 2023

DepEd Nationwide Public School Teacher Search for Princess Maha Chakri Award (PMCA) 2023

JUST IN: 𝗗𝗲𝗽𝗘𝗱, 𝘀𝗶𝗻𝗶𝗺𝘂𝗹𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝘄𝗶𝗱𝗲 𝗽𝘂𝗯𝗹𝗶𝗰 𝘀𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝘁𝗲𝗮𝗰𝗵𝗲𝗿 𝘀𝗲𝗮𝗿𝗰𝗵 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝟮𝟬𝟮𝟯 𝗣𝗿𝗶𝗻𝗰𝗲𝘀𝘀 𝗠𝗮𝗵𝗮 𝗖𝗵𝗮𝗸𝗿𝗶 𝗔𝘄𝗮𝗿𝗱𝘀

Hunyo 13, 2022 – Sinimulan ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang paghahanap para sa pinakamahusay na guro mula sa pampublikong paaralan na tatanggap ng prestihiyosong Princess Maha Chakri Award (PMCA) sa 2023.

Nilalayon ng PMCA na bigyan ng papuri at pagkilala ang 11 na guro ng pampublikong paaralan mula sa Timog Silangang Asya (ASEAN + Timor Leste) na ang natatanging tagumpay ay nagbigay benepisyo sa edukasyon at sa pag-unlad ng tao.

Dapat sundin ng mga kwalipikadong kandidato para sa Thai Princess Chakri’s Education Award ang PMCA Screening Committee criteria kung saan kinakailangang sila ay nakibahagi sa community at civic movements, lalo na sa lugar na ang edukasyon ay hindi gaanong accessible; nakapagpakilala ng inobasyon sa pagtuturo na nakapagbigay ng benepisyo sa mga komunidad kung saan sila ay nakapagturo; at may kakayahang magbigay ng inspirasyon, magtaguyod, at panatilihin ang pagpapaunlad ng mga estudyante at kapwa mga guro.

Dadaan ang mga nominado sa screening sa School Division Office, Regional Office, at Central Office sa pamamagitan ng International Cooperation Office kasama ang Philippines’ PMCA Selection Committee.

Irerekomenda ng PMCA Committee ang mapipiling awardee para sa pag-aproba ng Kalihim ng DepEd at i-eendorso ang nominado ng Pilipinas sa PMCA Foundation para sa pag-endorso ni Her Royal Highness (HRH) Princess Maha Chakri Sirindhorn’s.

Bilang parangal para kay HRH Princess Maha Chakri Sirindhorn ng Thailand, ang parangal ay nakatuon sa mga guro na nakagawa ng malaking epekto sa pag-unlad at buhay ng mga estudyante, partikular na ang mula sa mga mahihirap na grupo.

Itinatag sa ika-60 kaarawan ni Princess Sirindhorn noong 2015 sa pamamagitan ng PMCA Foundation, kinikilala ng Award ang mga guro na may pambihirang galing mula sa Timog Silangang Asya na ang kanilang mga tagumpay ay nagresulta sa isang makabuluhang epekto sa buhay ng mga estudyante at mas mahusay na sistema ng edukasyon.




Mula sa unang parangal noong 2015, kinilala ng PMCA ang apat na nakatanggap ng parangal mula sa Pilipinas na sina G. William Moraca ng General Santos City (2015), G. Jesus Insalada ng Iloilo City (2017), G. Sadat Minandang ng Cotabato City (2019), at G. Marcelo Otinguey (2021).

“We must strengthen the teaching profession, educational development, and international relations in the field of education by molding more teachers who will champion the disadvantaged youth,” pagbibigay-diin ni Kalihim Leonor Magtolis Briones.

Para sa impormasyon at gabay sa proseso ng pagpili, timeline, at kinakailangan na accomplishments kaugnay  ng Award sa 2023 PMCA, mangyaring sumangguni sa DepEd Memorandum No. 052, Series of 2022.

Read full[Full article (English): https://www.deped.gov.ph/2022/06/13/deped-begins-nationwide-public-school-teacher-search-for-the-2023-princess-maha-chakri-awards/]

#SulongEdukalidad #DepEdPhilippines #DepEdTayo

Post a Comment

0 Comments