DepEd Official Statement on Some Teachers having issues with Landbank’s Online Banking feature.

DepEd Official Statement on Some Teachers having issues with Landbank’s Online Banking feature.

In this post, we are sharing with you the latest DepEd Official Statement

OFFICIAL STATEMENT:
Enero 24, 2022 – Napag-alaman ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) sa pamamagitan ng isang online article na ilang mga guro ang nagkakaroon ng mga isyu sa Online Banking feature ng Landbank.
Bagamat wala pang natatanggap na anumang pormal na incident report ang DepEd Central Office, kasalukuyan na nitong hinahanapan ng balidasyon ang mga claims na ito sa mga field office.
Nakipag-ugnayan na ang Landbank sa DepEd at siniguro na ang mga kaso ng unauthorized withdrawals ay maayos na aasikasuhin at bibigyan ng lubusang atensyon.

Hinihikayat ng DepEd ang lahat ng kawani nito na ipaalam agad sa kani-kanilang Dibisyon, at iulat ang anumang mga isyu sa pinakamalapit na Landbank branch.






Image Credit: DepEd Philippines

Post a Comment

0 Comments