LAGSIK-WIKA: SERYE NG WEBINAR SA PAGDODOKUMENTO NG KATUTUBONG WIKA | 19 AGOSTO 2021 | REGISTER NOW!

LAGSIK-WIKA: SERYE NG WEBINAR SA PAGDODOKUMENTO NG KATUTUBONG WIKA | 19 AGOSTO 2021 | REGISTER NOW!

In this post we are sharing with you the information about National Free Webinar for Teachers who are teaching Filipino subjet.

Dumaló sa Ikalawang Libreng Webinar sa Dokumentasyong Pangwika

Bílang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-143 taóng kaarawan ni dáting Pangulong Quezon, at paghahanda sa International Decade of Indigenous Languages (IDIL) 2022–2032, inaanyayahan ang mga mananaliksik, guro, mág-aarál, at may interes sa wika at kultura ng kanilang komunidad sa ikalawang Lágsik*-Wika: Serye ng Webinar sa Pagdodokumento ng Katutubong Wika. Gaganapin ito sa 19 Agosto 2021 (Huwebes), 10–11:30 ng umaga.
 
Layunin ng webinar na lalo pang pasiglahin ang larang ng dokumentasyong pangwika, at mapukaw ang interes ng mga kalahok na maidokumento ang wika ng kanilang komunidad.
Libre ang webinar at magkakaloob ng e-sertipiko sa mga aktibong kalahok.
Dahil serye ang webinar, hinihiling na panoorin ang unang bahagi nitó sa link na https://bit.ly/UnangLagsikWika
Para sa pagpapatalâ, magtungo sa link na https://bit.ly/Lagsik2

Matatanggap ng mga napilìng kalahok ang akses sa zoom isang araw bago ang webinar. Sa mga hindi mapipilì, maaari pa ring sumubaybay sa Facebook live ng Komisyon sa Wikang Filipino. Bukás ang rehistrasyon hanggang 15 Agosto, ganap na ika-11:59 ng gabi.
 
Para sa mga tanong o paglilinaw, maaaring makipag-ugnayan kay G. Kirt John C. Segui sa email na kjsegui@kwf.gov.ph.


Post a Comment

0 Comments