DepEd official statement on the postponement of limited face-to-face classes for School Year 2021-2022

DepEd official statement on the postponement of limited face-to-face classes for School Year 2021-2022

𝗢𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗛𝗔𝗬𝗔𝗚 | 𝗦𝗮 𝗱𝗲𝘀𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗴𝘂𝗹𝗼 𝗻𝗮 𝗶𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝗹𝗶𝗯𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗶𝗺𝗶𝘁𝗮𝗱𝗼𝗻𝗴 𝗳𝗮𝗰𝗲-𝘁𝗼-𝗳𝗮𝗰𝗲 𝗰𝗹𝗮𝘀𝘀𝗲𝘀 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗻𝗴𝘂𝗻𝗮𝗵𝗶𝗻𝗴 𝗲𝗱𝘂𝗸𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻

Hunyo 22, 2021 – Sa paglitaw ng nakahahawang variants ng COVID-19 sa bansa, susundin ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang desisyon ng Pangulo na ipagpaliban ang pagpapatupad ng limitadong face-to-face classes sa mga lugar na may mababang banta. Patuloy ring ipatutupad ang pinalawig na blended learning.

Ang ating pinakaprayoridad ay ang kaligtasan ng ating 27 milyon na mga mag-aaral at ng mahigit 840,000 na mga guro at tayo ay sasang-ayon sa propesyunal na pagsusuri ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH), ng IATF, at mga kaalaman ng Pangulo upang masiguro ang kanilang proteksyon.

Gayumpaman, patuloy ang ating paghahanda at pagpapabuti sa pagbibigay ng dekalidad na edukasyon kahit anoman ang maging sitwasyon sa mga darating na buwan. Habang tayo ay nanatiling positibo na magbubukas ang mga paaralan kapag umayos ang ating sitwasyon, tayo ay handang ipagpatuloy ang mandato sa konstitusyon na tulungan ang mga mag-aaral at mga guro sa kahit anomang uri ng pag-aaral na nariyan.

Ilalabas naming ang pinal na school calendar para sa Taong Panuruan 2021-2022 sa oras na makuha namin ang pinal na pag-apruba ng Pangulo. Iminumungkahi naming mamili ang Pangulo mula sa Agosto, 23, 2021, Setyembre 6, 2021, o Setyembre 13, 2021 bilang araw ng pagbubukas ng klase.

Tayo ay umaasa na ang ating mga katuwang at stakeholders ay magsasama-samang muli sa pagsusumikap na ito at makipagtulungan sa atin na magsilbi sa interes ng ating mga Pilipinong mag-aaral.

 


 

Post a Comment

0 Comments